Turista sa Aurora umabot sa 1.3 milyon

Ni: Duazo

16 Nobyembre 2019

Tumaas sa 1.3 milyong turista ang naiulat na dumagsa sa Aurora nitong 2018 mula sa naitalang 10,782 tourist arrivals noong 2007.

Ipinagmamalaki ni Senador Sonny Angara, ipinanganak sa Baler, Aurora, sa lahat ang malaking hakbang sa larangan ng turismo ang nagawa ng Aurora.

Ani ni Angara, ayon sa datos na inilabas ng gobyerno hinggil sa tourist traffic ng Aurora, tumalon ng halos 12,000 porsiyento ang antas ng turismo ng Aurora sa loob ng 11 taon.

“Nakatutuwa na ngayon, nakikilala na ang Aurora bilang isa sa mga lalawigang dinaragsa ng mga turista,” sabi ni Angara sa kaniyang pakikilahok sa ika-40 taong anibersaryo ng Aurora.

Dagdag ni Angara,  malaki ang maitutulong ng pagmamalaki sa madla ng sariling lalawigan sa pag-usbong ng turismo sa Pilipinas.

Leave a comment