Ni: Archimedes
16 Nobyembre 2019
Hihikab pagtapos maalimpungatan at tuluyan ka na talagng magigising dahil maaga dapat maghanda para makapasok sa aking paaralan, kailangan talaga magtiis kung gusto pang mapaunlad ang mga sariling kakayahan. Eh paano ba naman kasi iyan, nakatira pa kami sa Ditumabo at ang paaralang ANSHS ay sa baler mo matatagpuan, edi matatagalan pa. Imbis na magkaroon pa ako ng mas mahabang pahinga ay nauubos ng oras ng pagbibiyahe naming dahil dalawampu’t limang oras halos ang nagugugol naming oras sa daan. Kahit na ganito’y naeenjoy ko pa rin ang pag-aaral sa mga kalokohang ginagawa naming.
‘Excellence’
Ang bagay na inaasinta lagi ng paaralang ANSHS na kung saan binibigay lahat ng paaralang ito ang lahat ng kanilang makakaya para lamang mabigyan ang mga estudyante ng magandang kalidad ng edukasyon. Siyempre, para rin naman ito sa amin upang ang aming potensiyal na hindi pa nadadala sa kataas-taasang tuktok ng bundok ay mahasa at magabayan pa kami lalo sa pagdating sa destinasyong ito. Kaya naman noong una’y takot na takot pa akong pumasok sa paaralang ito, puro lang naman kasi mga matatalino ang nakakapasok dito ngunit sa panahong nanatili ako ditto ay patuloy kong natutuklasan ang sariling potensiyal ko bilang isang indibidwal kasabay ng kasiyahan naming magkakaklase.
Kung aking ikukuwento kong lahat ang mga ginawa naming mga kalokohan ay hindi na ako matatapos ibahagi ito sa inyo, ganoon karami na ang nagawa namin. Ang sikat sa mga seksiyon napapabilang ako ay mga isyung may mga pinakamaduming area, tamad at iba pa. Hindi man magmukha kaming mga disenteng tao ay ginagawa pa rin naming ang aming makakaya upang mas umunlad pa sa tulong ng mga guro at mga kaklase naming na tunay na nagiging dahilan sa matibay naming samahan.
Lahat naman ng tao ay nagsisimula sa isang bagay at kinakailangang palaguin pa ito kung gustong maging isang matagumpay na tao. Kaya rin naman mayroon kaming mga programang makakatulong hindi lamang sa sarili naming pag-unlad ngunit sa iba ring mga tao at aming kapaligiran. Tunay ngang isa sa mga pinakamagagandang paaralan lalo na sa ating lalawigang Aurora. Hinding-hindi ko na kayang maghintay pa para sa aking buhay kapag ako’y tapos nang mag-aral, puno ng mga kaalamang iniwan ng paaralang ito at higit sa lahat ay mga alaala o karanasan ko sa buhay highschool na magsisilbing gabay na kung saan ay kahit kailanma’y ‘di ko malilimutan.