Ni: Herdellayne
16 Nobyembre 2019
Mayroon ng sagot sa problema ng mga taong baog, ito ang tagumpay na pagbuo ng human eggs o egg cells sa patutulungan ng mga siyentipiko mula sa Amerika at United Kingdom.
Unang beses na nabuo ang egg cell sa labas ng katawan ng tao nitong Pebrero 9 na inilagay sa medical journal na Molecular Human Reproduction.
Nagtagumpay muna ang mga siyentipiko bago ang eksperimentong ito na bumuo ng egg cell ng daga na kalauna’y nagamit upang magkaroon ng bubuwit na buhay gamit ang siyensa.
“Being able to fully develop human eggs in the lab could widen the scope of available fertility treatments. We are now working on optimising the conditions that support egg development in this way and studying how healthy they are,” ani Evelyn Telfer, isa sa mga nanguna sa pag-aaral.
Mabuti ito para sa mag-asawang gustong magka-anak ngunit hindi ito magawa sa natural na paraan.