Surfers sinamantala ang matataas na alon sa Baler (11/17/2019)Ni: Ashee
16 Nobyembre 2019
Hindi pinalagpas ng mga turista ang matataas at malalaking alon ng Sabang Beach sa Baler, Aurora kahit paparating na ngayong Sabado ang bagyong Ramon.
Pwede pa ring maglangoy sa dalampasigan ng Baler sapagkat wala pang nakataas na public storm signal dito.
Samantala, itinaas na ang public storm signal no. 1 sa mga karatig-bayan ng Baler na Casiguran, Dilasag, at Dinalungan.
Ibinandera ng lokal na pamahalaan ng Baler ang green flag hudyat na pwede pang mangisda at maglangoy dito, papalitan naman nila dito ng red flag kapag signal no. 1 na ang Baler.
Maaraw at hindi naman maaapektohan ng bagyong Ramon ang Metro Manila.
Turista sa Aurora umabot sa 1.3 milyon (11/17/2019)Ni: Duazo
16 Nobyembre 2019
Tumaas sa 1.3 milyong turista ang naiulat na dumagsa sa Aurora nitong 2018 mula sa naitalang 10,782 tourist arrivals noong 2007.
Ipinagmamalaki ni Senador Sonny Angara, ipinanganak sa Baler, Aurora, sa lahat ang malaking hakbang sa larangan ng turismo ang nagawa ng Aurora.
Ani ni Angara, ayon sa datos na inilabas ng gobyerno hinggil sa tourist traffic ng Aurora, tumalon ng halos 12,000 porsiyento ang antas ng turismo ng Aurora sa loob ng 11 taon.
“Nakatutuwa na ngayon, nakikilala na ang Aurora bilang isa sa mga lalawigang dinaragsa ng mga turista,” sabi ni Angara sa kaniyang pakikilahok sa ika-40 taong anibersaryo ng Aurora.
Dagdag ni Angara, malaki ang maitutulong ng pagmamalaki sa madla ng sariling lalawigan sa pag-usbong ng turismo sa Pilipinas.